Kundiman/II

Sino/ano nga ba ang kanyang tinutugis/sinusundan?Minsan, ito’y naitanong ko habang ang kaharap sa mesa ay nagsasalin ng beer sa kanyang baso, at napatingin ako sa isang matandang nakaluklok sa ulo ng mesa at masayang nag-aasikaso ng pamilya, alalaumbaga’y iyon ang tunay na kaligayahan o responsibilidad:  ang kalingain ang mga supling, isaayos ang estado sa lipunan.  At sino ang mag-aakala na may sikreto ito marahil: isang babae sa isang bahay,mga sulat at rosas na magsisiwalat ng lahatlahat ng kanyang tagumpay at kabiguan.
At higit: bakit?  Labanan ang kumbensyon
ng pagkabuhay sa mundo?  Bigyang katuturan ang
tunay na niloloob?  Damhin ang tunay na kahulugan
ng buhay, kung anuman ang ibig sabihin
ng “kahulugan ng buhay”?  Maraming tanong at
posibilidad ng tanong.

Ang tanging batid ko lamang sa sandaling gumuguhit
ang malayelong San Miguel sa aking lalamuna’t
sentido na parang kamay na bakal na umiipit sa aking
ulo sa biglang bulusok ng lamig/init ay kadalasa’y
hindi mo na, sa bandang huli, mahihinuha ang
tinutugis/sinusundan:  kung iyon ang  nasa ng puso
mo, o ang puso ng nasa mo?  Panaginip o panaginip
ng iyong panaginip?  Siya o ang walang katapusang
pagtugis mo sa kanya?

Advertisements
This entry was posted in Una Furtiva Lagrima. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s