Kundiman/V

Ang tunay na pag-ibig ay sakim, mapaniil.  Kahit sa
alaala, ang kanyang mukha’y pananatilihin mong
dalisay, walang bahid ng kapusuka’t pag-iimbot
sapagkat siya, siya lamang ang itinuring ng salaulang
puso na tangi, isang maladiyosang halimaw na
sumagpang sa iyong katauhan, lumulon nang
buumbuo—utak, katawan, kamay, paa—upang ika’y
maging isa ring halimaw ng pag-ibig.  Walang
kamuwangan ang iyong pag-iisip ngayon sapagkat
siya, siya lamang ang tanging haplos na iyong
nadarama, siya, siya lamang ang tanging init sa
malamig na gabing kapiling ng mainit na katawan. 
Totoo, anila, ang pag-ibig ay isang kamandag.  At ang
lahat ng mangingibig ay nasasawi sa tuklaw ng ahas
ng puso.

Ito kaya ang tinuran nilang paglipas ng bait sapagkat
tunay na nagmamahal?

Ang pag-ibig kung gayon ang tunay na
pagpapatiwakal.  At sapagkat hindi lahat ay biniyayaan
nito, magdiwang ka, mangingibig, sa iyong
masigabong kamatayan.

Advertisements
This entry was posted in Una Furtiva Lagrima. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s