Kasarian/I

Lalaki at lalaki.  Babae at babae.  Lalaki at babae.
Walang katapusang permutasyon ng mga oposisyon sa
uri’t ari—at siya, nakakulong sa piitang kristal, ay
mapapabuntong-hininga, na sana, sana maintindihan
ng lahat na ang pagbabago ay pagbabago rin sa
kinagisnang salita:  ang bakla/tomboy ay simbigat
ng lalaki/babae.  Bakit, aniya, hindi maintindihan ito
ng lahat?

Ang mga halakhak ay umaalingawngaw pa sa kanyang
bungo.

Ang mga imbestigador ay mapapailing, ikukubli ang
ngiti sa likod ng marunong na ngiti.

Advertisements
This entry was posted in Una Furtiva Lagrima. Bookmark the permalink.

3 Responses to Kasarian/I

  1. janice says:

    hindi dapat nsting pagtawanan ang isang tao kung ano cia tanggapin natin kung un lang ang maka2pagpaligaya sa kanya…. kaci habang pnipglan mo lalo nia itong gnagawa….. tanggapin mo nlng kung babae,lalaki,tomboy o bakla

  2. janice says:

    d ba tama akoh……

  3. kaspangarigan says:

    Bakla, tomboy, lalake, babae, pare-parehas lang yan sa paningin ng Diyos.

    Ang mahalaga ay iyong importante sa lahat.

    Mt 15:9 Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

    Eph 5:5 Sapagka’t talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.

    Bakla ka man, tomboy, lalake, babae pero mapakiapid ka o mahalay o masakim iisa ang inyong kulay at patutunguhan.

    Gal 3:28 Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka’t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s