Recuerdo/III

Ngunit kahit papaano, ayon na rin sa mga paham,
wala ka talagang makalilimutan.  Marahil, may binhi
ng katotohanan rito:  na sa huling yugto
ng buhay—at ito’y palasak nang eksena sa literatura o
sine—ang lahat na tagpo ng lumipas ay iglap na
babalik at mananariwa, waring alabok na naging rosas,
o di kaya’y mukha sa balintataw sa iyong harapan, at
marahil sa pagsusuma, matatarok mo rin ang kulang
o sobra, ang mayroon at wala.  Ngunit ito’y mangyayari
na lamang kung hindi mo na mailalahad sa mga mahal
na nakapaligid sa iyo sa huling sandaling iyon ang
mga imaheng ito ng kamusmusa’t katandaan, at
mananatiling piping testigo na nakapinid na bibliya
ng iyong naratibo.  Sa gayu’t gayon ma’y silang mga
nabuhay na muli, nanumbalik na kaligayaha’t
kapighatian, ang siyang kakasamahin sa pagtawid ng
iyong sariling ilog na Acheron.

Tunay, walang hindi nababaon sa limot.

Advertisements
This entry was posted in Una Furtiva Lagrima. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s