Recuerdo/IV

Ito ang panahon ng paghihiwalay.  At siya’y
manlulumo sa mga nabasa’t narinig: ang mga dating
kasama ay bumaligtad na, tumahimik sa bagong
dispensasyon.  Sino si Mao? Tunay pa rin  kaya siyang
gabay sa pagbabago ng puso’t lipunan?  Nang muli
niyang makausap ang isang kaibigan na lumitaw
upang diumano’y magpahinga mula sa sigalot na
namamayani sa bundok at siyudad, siya’y parang
mangingipuspos, maguguluhan.

Paano na ang kanyang dating tinuran hinggil sa
rebolusyon?  Paano niya huhusgahan ang wari’y
dantaon niyang pananampalataya sa relihiyon
ng pagbabago?  Ang mga kabataa’y nagtatakip
ng kanilang mga tenga tuwing babanggitin ang
direksyo’t estratehiya ng baguntao, samantalang ang
mga dating kaulayaw ay nagsilisan na paibambansa,
tuwituwina’y magpapadala ng postcard ng kanilang
estado:  magarang kotse, malulusog at matatalinong
anak na gagap ang teknolohiya ng Unang Daigdig.

Minsa’y nakasalubong niya ang isang
manunulat—makisig sa mamahaling barong,
naghihintay ng drayber upang dalahin sa isang
apoyntment, ang burukratang ito na nagkamal
ng salapi sa pakikutsaba sa nasirang diktador, iniidolo
ng mga akademikong isinumpa na rin ang rebolusyon
sapagkat namatayan na ng lampara sa paghihintay sa
pintuan ng langit—at siya’y mapapakislot sa dalirot
ng isang balaraw sa puso.  Hihinto siya upang
habuling muli ang hininga, at karakarakang hahangos
pasilid na ngayo’y mistulang bunganga ng maligno,
umaalingasaw na bangkay sa kadiliman.

Huli na ang lahat?  At siya na nagpahalaga sa gawa’t
salita ay mistulang batong tinitisudtisod na lamang sa
panahon ng tanso?

Subalit hindi na niya aaligatain pa ang kanyang
pagtahak sa ligaw na daan. Iyon na lamang ang
tanging kabayanihan na kanyang mahuhugot sa
binarahang buhay.

Advertisements
This entry was posted in Una Furtiva Lagrima. Bookmark the permalink.

2 Responses to Recuerdo/IV

  1. jambomb says:

    is it ok if i post here?

  2. Sorry, you can comment but not post. Where is your blog so I can read you. TY.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s