Recuerdo/V

Ay, palalong puso! Napahalakhak ang kausap nang
ikwento niya ang kanyang muling pagkikita sa isang
babaeng humahangos sa silid upang interbyuhin ang
isang propesor, at dumilim ang mukha nito, waring
pilit na inaaninag ang mga anino sa dawag ng anino
nang banggitin niya, ang nagkukwento, ang sariling
ngalan sa pagkakabatid na siya, siya nga ang dating
kasakasama sa paglilimayon sa mga coffee shop noong
kanyang kabataan. Subalit ito’y mapapamaang
lamang, tuliro at pilit sumasalikop sa alapaap ng mga
ibon ng kanilang memorya, at siya na nangangamoy
pa ng alimuon ng New York at natagpuan
pagkatapos ng 25 taon, pagkatapos ng araw-araw na
pag-usal sa kanyang pangalan na sinasariwa pa rin ng
rosas sa umaga, pagkatapos ng isang mahabang
pangungulila ay parang malansang tubig na sumagitsit
sa nagbabagang kahoy. Sapagkat ang nasakta’y may
palalong puso, dagli itong maghihimagsik,: Kilala
kita, bakit hindi mo ako kilala? Ngunit sino ang
magdaramdam sa pait nang muling pagkikita kung
siya na naiwan ay matagal na palang wala?

Advertisements
This entry was posted in Una Furtiva Lagrima. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s