Kundiman/III

Ang batang mangingibig na napahalakhak nang
marinig ang kwento ng matandang mangingibig
ay nagwika:  “Hindi na nadala.  Wala ba siyang
konsiderasyon sa kanyang katandaan man lamang?”
Isang mabigat na katahimikan ang parang lambong na
babalabal sa mesa ng mga umiinom na wari ba’y
napipi sa dagling init at lamig na sumigid sa kanilang
mga buto sapagkat ano ang maisasagot nila sa
paghahambog na iyon?  Totoo sa dilang totoo ang
tinuran ng batang mangingibig na matatag sa kanyang
paniniwala na lahat ay dapat, lalo na sa pag-ibig o
pakikipagkapwa-tao, ilagay sa lugal, ang libido ay
hindi anarkistang penomenon, ang sosyedad ay
kailangang bigyan ng pansariling disiplina
at kolektibong responsibilidad.  May mga dapat,
samakatwid, isaayos ayon sa lohikal at kanonikong
ugnayan.
Ako, na nakarinig sa kanya, ay aayon, bagamat parang
isang baril na nakatutok sa aking ulo ang isa ring
tanong:  kung sa batang ginoo ay darating ang ganoon
ding sitwasyong ang puso’y muling mag-alab sa isang
pusong mailap, iyon pa rin kaya ang kanyang
sasambitin?

From Una Furtiva Lagrima, 1993

Advertisements
This entry was posted in POETRY OF EDEL GARCELLANO, selected by G.Y. Guillermo. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s