Recuerdo/VIII

At ang dalawang matandang mag-asawa’y nangusap
sa harap ng korte ng katahimikan:  Nais na nilang
maghiwalay, iwanan ang isa’t isa pagkatapos ng
panahong singhaba ng kanilang pagtitiis.  Sapagkat
said na ang kanilang panaginip, tapos na ang kanilang
pag-adhika para sa mga anak na ngayo’y nabubuhay na
ring mag-isa, at silang malaon ring nagsama sa hirap at
ginahawa’y kailangan nang magpakatapat sa sarili.

Walang makakahuma sa mga tinuran—walang bagay
sa mundo ang hindi lumilipas, ang rubdob ng pag-ibig
ay lumalamig, ang ganda’y kumukupas.  Ano pang
lohika ang kailangang uriratin, tulad ng ginagawa ng
mga pantas upang arukin ang hiwaga ng nagkapit/
kalas na mga kamay, kung ang puso’y pilit na
kumakawala/pumipiglas sa mabigat/mabagsik na
yakap?

At kung may lohika man ang pagpapaalam, hindi na
kailangang bunuin pa ito:  ang balais at sakit ay
sintomas ng hangganan.

From Una Furtiva Lagrima, 1993

Advertisements
This entry was posted in POETRY OF EDEL GARCELLANO, selected by G.Y. Guillermo. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s