Ordinaryong Tao

Tulad mo, ako’y isang ordinaryong tao lamang.
Kapag hindi ko sinalo ang problema ni Bos
daramputin din ako sa kangkungan. At bakit
hindi ko pangangatawanan ang aking simpleng trabaho:
halimbawa, ihihimutok sa aming tropa
na mainit sa taas, kailangang gumawa kami
ng paraan upang umayos ang buhay at kabuhayan.
Si Bos ang aming inahin na pinagyupyupan naming mga sisiw.
Dati-rati wala kaming ngalan, hindi kami pansin ng kakosa,
para kaming mga pusa na magbubungkal ng basura
sa mga otel at mall.
Hanggang ‘yon na nga: noong may magturo sa ‘king
magkasa ng kalibre .45. wika nga, at pasabugin
ang puso ng saging, nagbago ang lahat.
Dina ako tinitisudtisod kumbaga sa daan,
yumayanig ang bulungan sa kanto tuwing ako’y dumaraan.
Pero di ko ipinagyayabang ito. Tahimik akong trumabaho:
anumang ipinangangalandakan na kesyo ganito ako,
ganito siya ay pawang hakahaka lamang.
Malinis ang aking konsyensya.
Sumusunod lang ako sa utos ni Bos.
Di ako nagbago, pare. Ke dyanitor ka o karpintero
o klerk o drayber, o mensahero, o propesor o manunulat
ginagawa natin ang ayon sa lohika ng ating sistema.
Halimbawa, bakit ka aangal kung ipalinis ang imburnal,
ipatype ang mga memo, itrangka ang gate
para di makapasok ang mga taong ipinagbabawal,
ipasulat ang SONA at idipensa ang all-out war ng Palasyo?
Susunod ka rin, hindi ba? Binabayaran ka.
Si Bos mo ay baleba’y bumubuhay sa ‘yo.
Kung ika’y pasaway, etsapwera ka. Ganun talaga.
Iisa ang hibla ng ating ordinaryong buhay.
Panahon pa ni Herodes, pare ko,
Pinapatay na ang mga bata. At bakit hindi?
Silang masamang damo, sabi ni Bos, na kapag lumago
ay ikalulunod, wika nga, ng lahat.
Ayaw kong mabugnot si Bos, kundi sa kanya
para akong asong tatanghod-tanghod sa mga restoran
– at sa mga nag-iinglis at nag-prapranses, kumbaga,
na hindi ko naman mawawaan.
Nakapapanting ng tenga talaga; nganingani kong
kalabitin ang gatilyo para pumarehas
Tutal, nakita ko na silang mangatog
at maiyak sa pagmamakaawa — sila na hindi ko kilala
at di makikilala kailanman – habang isinusubo ko
ang dulo ng baril sa bukana ng kanilang bibig.
Swertehan lang. Kung di sila, ako.
Malas lang kung mararatrat mula sa likod.
Ganun talaga ang mundo: Kanya-kanya
ang lahat, tulad ng gawi mo tuwing
pumapasok ka sa iyong marangal na upisina.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s