Bangungot

Nakita na lamang niya ang sarili na nagmamasid sa isang babaeng nagmamando sa isang tao sa kalye. Hindi maipaliwanag nito ang mga bagay sa babaeng punong-abala hanggang ito’y mapaupo na lamang na pawisan sa tabing daan. Umalis siya at kanyang naisaisip na pamilyar ang lugar: Dito una siyang tumira. Subali’t wala na ang mga dating bahay. Mga nanlilimahid na istruktura ng mga bagong tao ang bumungad sa kaniyang paningin. Sa mga bakanteng lote ay may mga nagpapasimulang sementeryo. Sa isang sulok may naaagnas na bangkay ng isang ina at kaniyang sanggol. May mga lumapit na bata’t nanghihingi ng limos; siya ay binato nang hindi siya makapagbigay. Sa isang maliit na ponda may nag-iinit ng pansit at wari ba’y mga bulok na laman. Hindi na siya napatumpik-tumpik; kagyat niyang nilisan ang pook na may pagsisikip ng dibdib.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s